Playful Destiny

Playful Destiny

  • Genre: Billionaire/CEO
  • Author: Malaya
  • Chapters: 1
  • Status: Ongoing
  • Age Rating: 18+
  • 👁 0
  • ⭐ 3.0
  • 💬 0

Annotation

Mapaglaro ang tadhana' Iyan ang katagang madalas sabihin. Subalit sobra naman yata akong pinaglaruan nito. Dahil, matapos akong iwan ng first love at first boyfriend kong si Adrian, ng wala manlang ni ha ni ho at basta na lang akong iniwan sa ere, ay eto't nagdalang tao ako sa lalaking ni pangalan at apelyedo ay hindi ko alam, hindi ko inalam at ni hindi ko maalala ang itsura niya sa sobrang kalasingan. In short sa lalaking naka - one night stand ko lang. At hindi pa nakuntento ang dakilang tadhana, dahil matapos ang ilang taon, sa panahong maayos, tahimik at nagsisimula na kaming mag-ina ng sarili naming buhay ay bigla na lamang sumulpot ang kanyang ama at ang malala pa ay sa kumpanya kung saan ako nag-apply at natanggap bilang personal assistant. Take note, personal assistant n'ya. Oh, di'ba bongga.. pinagsabay-sabay na... Alam kung darating ang araw na kailangan kong sagutin ang mga katanungang unti-unting nabubuo sa isip ng aking anak. At, bilang isang ina ay hindi madaling ipaliwanag sa kanya ang lahat dahil masyado pa itong bata at paano ko ipapaliwanag sa kanya na aksidente lamang s'yang nabuo? Paano ko ipapaintindi sa murang isip n'ya na nabuo s'ya out of love? At paano ko sasabihin at mapapaniwala ang multi-billionaire nitong ama na may nabuo sa isang gabing pagtatagpo at pagtatalik namin? Hay tadhana nga naman... Ipinagdarasal ko na lang na sana naman magsawa na itong paglaruan ang buhay ko at tulungan na lang ako nitong itama ang lahat, kahit hindi na para sa akin, kundi para sa kapakanan ng aking anak. Ng aking pinakamamahal na anak. Magsawa nga kaya si tadahana? O, Lalo pa nitong lalaruin ang buhay ko kasama na ang puso ko?

Chapter 1

Chapter 1: |ONE NIGHT ONLY|

"Where the hell are you Sierra?!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng aking bestfriend na si Ela habang kausap ko s'ya sa phone. Nandito ako ngayon, nakatayo sa harap ng Red Market, isa sa kilalang night bar dito sa Makati. "...Sierra, don't tell me you're with Mike?"

"Yeah, but Ela don't worry ok, gusto ko lang mag-enjoy at makalimutan yung gagong Adrian na 'yon."

"But Sierra-"

"Please Ela." Pakiusap ko sa aking kaibigan. "Just this time, please!"

"Alright, alright!..basta tawagan mo ako, at siguraduhin mong ihahatid kang buo ng baklang Mike na 'yan ha? Walang labis at walang kulang, dahil kung hindi, naku!!..malalagot talaga ako kina tita at tito."

"Don't worry..nangako s'yang ihahatid n'ya ako."

"Okay, fine."

"Bye for now chumy."

"Bye, take care.. don't do stupid things."

"Yeah, yeah..bye." At tuluyan ko na ngang pinatay ang tawag at nagsimulang maglakad papunta sa kinaroroonan ni Mike. He is our friend, a party goer gay friend to be exact.

"Is that pa-virgin Ela?" Tanong nito sabay pilantik ng mga daliri.

"Yes." Nakangiti kong tugon.

"Let me guess, binasahan ka n'ya ng sampung utos no?" Pagbibirong wika nito na bahagaya kong ikinatawa.

"Ahm, medjo lang." Tugon ko. "Hay naku 'wag na nating pagusapan 'yan ang importante nandito ako, ok?"

"At nandito tayo para pumarty at para makalimutan ang mga lalaking salot sa buhay!" Pasigaw na wika ng bakla sinabayan pa nito ng pagwagayway ng mapipilantik niyang mga kamay.

"Yeah..party, party yeah!" Dagdag ko naman.

Maya-maya ay ikinawit na ni Mike ang braso niya sa braso ko at pagtapos ay sabay na kaming pumasok sa bar

Iba't ibang kulay ng ilaw ang sumasayaw kasabay ng malakas na tugtog ng musika na sinasabayan din ng pagindayog ng ibang mga narito. Hindi rin mawawala ang hiyawan, halakhakan, daldalan at ingay, magkakahalong amoy ng iba't ibang klase ng alak at iba't ibang brand ng pabango, ilan lang 'yan sa mga mae-experience mo dito sa loob ng bar.

"Hoy Si, infernes ha? Pak na pak! yang outfit mo, for sure makakabingwit ka kaagad ng pamalit sa Adrian na 'yon." Wika ng kasama ko habang nakaupo kami sa stool ng bar counter at hinihintay ang inorder naming drinks.

"Baliw, hindi ako sumama sa'yo dito para maghanap agad ng kapalit no? Feel ko lang talagang magwalwal ngayon." Tugon ko.

Maya-maya pa ay iniabot na ng bartender ang order naming inumin, dark and stormy ang inorder ko, favorite ko 'to at laging inoorder sa kahit saang bar, paloma naman ang order ng aking kaibigan.

"Sierra.. look that guy." Wika ng kasama ko sabay nguso sa lalaking nagsasayaw sa gitna ng mababa pero maluwang na stage, agaw pansin ito, dahil sa galing niyang sumayaw at sa gwapo na rin, hindi kataka-taka na mapansin agad s'ya ng kaibigan ko dahil dancer ang bet na bet n'ya sa lalaki.

Nangiti na lang ako sabay sabing...

"Go and bite that guy."

"Stay here, I'll be right back..okay? I just need some fresh blood...ggrrrrr..."

Malakas na tawa ang naging tugon ko sa sinabi n'yang 'yon.

Mabilis na tumayo ito mula sa kinauupuan niyang stool, itinungga muna niya ng minsanan ang kanyang inumin bago tuluyang umalis upang siluhin ang fresh and yummy target nito.

Buti pa s'ya, ready ng magmove-on, at parang hindi niloko ng jowa. Samantalang ako. Hay...

Muli kong ibinaling ang sarili ko sa inumin. Ang ngiting nakaguhit sa mga labi ko kanina ay agad na napawi, dahil heto na naman at unti - unting bumabalik sa aking isipan ang mga pangyayari.

Dinukot ko sa aking slingbag ang aking cellphone saka kinalikot 'yon, upang namnamin ang bawat pait at kirot na dulot ng bawat salita sa message ng hayop na Adrian na 'yon.

"Much as it hurts you when I say we need to end things between us, it hurts me more. But for our own sakes and sanity it is better this way. I wish you love and may you one day meet a special man who will just be right for you."

"Hurts you more? Damn you!" saad ko sa aking sarili na punong puno ng galit at pait. Itinungga ko ang natitirang laman ng aking wine glass, napapikit at bahagyang nalukot ang aking mukha dahil sa init na humagod sa aking lalamunin, at pagdaka'y sumenyas muli ako sa bartender ng isa pang order.

Kinalikot kong muli ang aking phone at nagpunta sa gallery. Pinagmasdan ko ang solo picture n'yang nakangiti.

"Ang kapal ng mukha mong magsend ng break up message, ng wala manlang paliwanag kung anong nagawa kong mali at kung saan ako nagkulang?" Para akong tangang kinakausap ang aking phone.

"Akala mo gwapo ka? Well, oo tama ka, gwapo ka, pero wala ng silbi ngayon sa akin 'yang kagwapuhan mo." Tanong ko sa aking sarili, na sarili ko rin ang sumasagot habang dinuduro duro ang aking telepono.

"...akala mo bagay sa'yo yang salamin mo? Hindi na uyy.. hindi maganda at badoy na sa paningin ko 'yang mga pormahan mo? Ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sa katulad mong kung pumorma ay akala mong nagtime travel mula 1980's." Muli kong sinaid ang laman ng aking baso, mainit na guhit sa lalamunan ang hatid ng alak, pero wala akong pakialam at tila hindi ko 'yon nararamdaman dahil ang tanging nararamdaman ko ngayon ay sakit sa puso ko. Sakit na dulot ng lalaking 'to na nasa phone ko.

Muli akong sumenyas sa bartender upang umorder muli ng isa pa, na bahagyang ipinagtaka ng huli dahil kakaorder ko lang ay heto't umuorder na naman.

Muli kong pinagmasdan ang litrato ng aking ex-boyfriend.

"Akala mo ba cute yang boxy smile mo na 'yan? Akala mo ba guwapo ka sa ngiti m-mong...'y-yan?" Unti-unti ang galit na nakalitrato sa aking mukha ay napalitan ng kalungkutan, pinilit kong pigilan ang panginginig ng aking mga labi dahil sa luhang kanina pa nais kumawala.

"Oo, cute at napaka-guwapo mo sa ngiti mong 'yan." Kahit anong pigil ko ay ayaw talaga paawat ng mga putang inang luha na 'to at ayon na nga naguunahan ng pumatak at dumaloy sa pisngi ko. Mabuti na lang at light make up lang ang inapply ko, alam ko naman kasing sa pag-atungal ang bagsak ko.

"..pero ano pang silbi ng mga ngiti mong 'yan kung sa pictures ko na lang makikita."

"..ano bang nagawa ko ha? Bakit bigla mo na lang akong iniwan?..may mali ba s'kin? May pagkukulang ba ako ha? Ano sumagot ka?" Muli kong tanong sa aking sarili. Sigurado akong kanina pa ako pinagtatawanan ng bartender sa itsura kong parang baliw na kinakausap ang litrato sa aking cellphone. Siguro nga nasisiraan na ako.

"..pangit na ba ako? Sawa ka na ba sa mukha ko? Sa katawan ko? Bakit, hindi na ba ako magaling?"

Muli kong itinungga ang kalahating laman ng aking baso saka umorder ulit. Habang hinihintay ang order ko ay dumukdok ako sa counter at doon inilabas ang lahat ng sakit at kirot na nararamdaman ng puso ko.

"..ganoon na ba ako kawalang halaga sa'yo Adrian at through message mo lang tinapos ang tatlong taon nating relasyon?..hindi mo manlang ako binigyan ng chance na marinig ang dahilan kung bakit ayaw mo na? Hindi mo manlang ako binigyang ng chance na.." Mabilis akong nag-angat ng ulo saka muling hinarap ang aking telepono saka dinuro 'yon. "..sampalin 'yang gwapo mong mukha? How dare you and damn you Adrian Ruiz, pagsisisihan mo ang ginawa mong pag iwan sa'kin sa ere." Pinahid ko ng aking palad ang basa kong pisngi, saka isa-isang pinagbubura ang mga litrato niyang nakasave sa aking gallery. Habang abala ako sa madiing pagdutdot sa aking phone ay inilapag ng bartender ang baso ng alak malapit sa akin, mabilis ko iyong inabot at minsanang ininom.

"Miss hindi sayo ang order na 'yan!" Wika ng bartender.

"I don't care, I'll pay for it." Sagot kong hindi manlang nagtapon ng tingin, dahil abalang - abala ang mata at mga daliri ko sa pagdelete ng mga pictures, ng napakaraming pictures na naka-save sa gallery ng phone ko.

Maya-maya ay may lumapag muling inumin sa counter, agad ko ulit 'yong inabot at itinungga. Wala yatang tama ang alak sa akin ngayon dahil nakakailang baso na ako'y wala paring epekto sa katawan ko.

Isang baso ng alak muli ang lumapag, akma ko 'yong aabutin ng pigilan ng bartender ang aking kamay.

"Miss kanina ka pa agaw ng agaw ng alak na hindi mo naman order."

"Give me my order then! Para hindi ako nang-aagaw ng order ng may order." Pagsusungit kong saad sa lalaki. Walang nagawa ang bartender kundi ang itimpla muli ako ng dark and stormy.

Nakalimang baso pa ulit ako hanggang sa maramdaman ko na ang pamamanhid ng aking pisngi at bibig. Wala na rin sa katinuan ang isip ko at ang malala ay umiikot na rin ang paningin ko.

Hirap na hirap kong hinalukay sa aking slingbag ang aking card para sana magbayad, pero may bigla na lamang pumigil ng aking kamay ng akma ko na 'yong ilalapag sa counter.

"I'll pay for it." Wika nito sa lalaking-lalaki nitong tinig, nilingon ko siya at pinilit inaninag ang kanyang mukha pero dahil sa kalasingan at gawa na rin ng malamlam na liwanag sa loob ng bar ay hindi ko nagawang makita ng malinaw ang mukha ng lalaking kung hindi ako nagkakamali ay kanina pang nakaupo sa tabi ko.

"Thank y-you and s-sorry but I have to use the r-restroom." Paalam kong sumisinok.

"Can you manage? Seems you're wasted."

"No worries I ca-" Halos mapatili ako ng muntik na akong mahulog sa kinauupuan kong stool dahil sa sinubukan ko pa ring tumayo kahit na umiikot na ang paningin ko, mabuti na lang mabilis ang naging pagkilos ng estrangherong lalaki at kaagad niya akong nahawakan sa beywang gamit lamang ang kanyang kanang kamay upang mapigilan ang pagbagsak ko sa sahig.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang may kakaibang init na dumaloy sa aking katawan sa pagkakahawak niyang iyon sa beywang ko, marahil ay epekto ito ng kalasingan ko. At marahil nga, dahil sa mga oras na 'to ay kakaibang init rin ang dulot ng almond shape nitong mga mata na titig na titig sa akin na tila lalo pang nag-uudyok sa aking gawin ang mga bagay na ngayon ay unti - unti ng nabubuhay sa aking katawan, kalamnan at pagkababae.

'Damn! Tanga na lang ako kung ipagkakaila kong hindi ko namimiss ang makipag-sex, lalo pa't almost 5 months na, noong huling may mangyari sa amin ni Adrian, okay lang siguro kung maging liberated ako kahit ngayong gabi lang, masubukan yung tinatawag nilang one night stand.'

And that's it, dahil nilamon na ng espiritu ng alak, hindi lang ang katawan ko kundi pati na rin ang utak ko ay heto't natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakikipag - palitan ng maiinit at maririing halik sa estrangherong lalaki na ito. Hindi ko na rin alam kung paano at kailan kami nakarating sa lugar na 'to, na sa amoy pa lang ay amoy mamahaling hotel na.

Pabagsak kaming napahiga sa kama habang patuloy sa paglasap sa mapupusok at maiinit na mga halik namin sa isa't-isa.

"Aahhh..." kusang kumawala ang mahinang ungol sa aking bibig nang bumaba sa aking leeg ang maiinit na labi ng lalaking ito. Kakaibang init na tila ngayon ko lang naramdaman, init na sobrang sarap sa pakiramdam.

At this very moment, I was so drowned from the pleasure given by this strange man's hot and wet kisses at wala na ngang atrasan 'to at hinayaan siyang angkinin ang bawat parte ng aking katawan at ang aking pagkababae.

Sa bawat indayog ng aming katawan ay kakaibang init at sarap ang dulot nito at kasabay ng bawat pagbaon ng kanyang pagkalalaki ay pansamantala kong nakalimutan ang masasakit na ala-ala ng mga pangyayari kahapon. Mga pangyayari na kailangan ng ibaon sa limot.



KINABUKASAN. Dali-dali kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig at mabilis na nagbihis, pagkabihis ko ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng kuwarto ng hotel, sa takot at kaba na aking nararamdaman ay ni hindi ko na nagawang lingunin pa ang lalaking hubad at padapang nakahiga sa kama.

"Where have you been SIERRA DELA VEGA?!" Halos mayanig ang kuwarto ko sa lakas ng boses ng aking bestfriend pagpasok nito, na lalong nakadagdag sa sakit ng ulo ko dala ng hangover.

"Chum, hinaan mo naman yang boses mo please, parang mabibiyak sa sakit 'tong ulo ko eh." Wika kong nakalapat ang palad ko sa aking nuo habang nakapikit at nakahiga sa aking kama.

"Alam mo bang magdamag kaming hindi nakatulog ni Mike sa takot dahil hindi mo sinasagot ang tawag namin, muntik na kaming pumunta ng police station para e-report na nawawala ka." Galit na sumbat nito.

"I'm sorry kong hindi ko nasagot ang tawag n'yo, magdamag nakasilent 'yong phone ko."

"At saang lupalop ka nagpalipas ng gabi?ha?" Mariing tanong ni Ela subalit bakas ang pag-aalala sa tono nito.

Napamulat ako ng mata at napatitig sa kisame na tila mahahanap ko roon ang sagot sa tanong, saan nga ba?

"I don't know?" Patanong at kunot nuo kong tugon.

"Sinong kasama mo kagabi?"

"I can't remember his name?" Muli kong tugon. Hindi ko nga ba matandaan? o sadyang hindi ko inalam. Pilit kong hinahalukay sa isip ko ang pangalan ng lalaki pero wala, wala akong matandaan at pati itsura n'ya ay hindi ko rin maalala. Fuck! Ganoon ba ako kalaseng kagabi?

"His?? Siarra, umamin ka nga? nakipag one night stand ka ba?" Nanlalaki ang galit na mga mata ng aking bestfriend habang nakatitig ito sa akin.

Alanganin akong tumingin sa kanya sabay tango.

"Nababaliw ka na ba Sia ha? Anong demonyo yang pumasok sa utak mo at nagawa mo ang bagay na 'yon?"

"Demonyo ng alak at dahil sa demonyong Adrian na 'yon." Pagkabanggit ko ng pangalan ng lalaking dahilan ng lahat ay unti-unti na namang nabalot ng kalungkutan ang puso ko. Kaagad namang napansin iyon ng aking kaibigan kaya ang galít na ekspresyon ng mukha niya ay unti-unting nanlambot.

"Chum.." mahinahong wika nito sabay upo sa gilid ng aking kama.

Ang palad ko, na kanina pa nakalapat sa aking nuo ay dahan-dahan kong ibinaba at itinakip iyon sa aking mga mata upang ikubli ang mga luha na ngayon ay nag-uunahan na sa pagdaloy.

"Gusto ko lang naman s'yang makalimutan kahit panandalian lang, gusto ko lang makalimutan 'yong sakit, Ela." Humihikbi kong saad.

Kinuha ng aking kaibigan ang kamay kong nakatakip sa aking mukha saka niya iyon papisil na hinawakan at pagtapos ay banayad na pinahid ang mga luha sa aking pisngi. "Nakalimot ka naman ba?"

"Oo." Maiksi kong tugon.

"How? While that guy thrusting you so hard?"

Isang irap ang pinakawalan ko sabay sabi ng. "Baliw." Saka kami nagtawanan.

Sa totoo lang tama naman ang kaibigan ko, dahil sa isang gabi ng pakikipagtalik sa lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala ang pangalan at ni hindi ko matandaan ang itsura ay panandalian kong nakalimutan at panandaliang nawaglit sa isip ko ang lalaking nagdulot ng sakit sa aking puso.

♡♡♡

Hello lovely readers!

Sorry guys, hindi talaga ako marunong magsulat about love scene, bed scene at kung ano pa mang tawag doon😅 but I promise pag-aaralan ko 'yon for the pleasure... este for the future pala!

Thank you guys for reading my story..

And don't forget to vote and leave some comments..

Love you all!!!

😘😘😘

Heroes

Use AlphaNovel to read novels online anytime and anywhere

Enter a world where you can read the stories and find the best romantic novel and alpha werewolf romance books worthy of your attention.

QR codeScan the qr-code, and go to the download app