Alphanovel App

Best Romance Novels

Malaya

  • 👁 6
  • 3.0
  • 📚 1

Novels

Book cover
  • Author: Malaya
  • Status: Ongoing
  • Age Rating: 18+
  • 👁 6
  • 3.0

Mapaglaro ang tadhana' Iyan ang katagang madalas sabihin. Subalit sobra naman yata akong pinaglaruan nito. Dahil, matapos akong iwan ng first love at first boyfriend kong si Adrian, ng wala manlang ni ha ni ho at basta na lang akong iniwan sa ere, ay eto't nagdalang tao ako sa lalaking ni pangalan at apelyedo ay hindi ko alam, hindi ko inalam at ni hindi ko maalala ang itsura niya sa sobrang kalasingan. In short sa lalaking naka - one night stand ko lang. At hindi pa nakuntento ang dakilang tadhana, dahil matapos ang ilang taon, sa panahong maayos, tahimik at nagsisimula na kaming mag-ina ng sarili naming buhay ay bigla na lamang sumulpot ang kanyang ama at ang malala pa ay sa kumpanya kung saan ako nag-apply at natanggap bilang personal assistant. Take note, personal assistant n'ya. Oh, di'ba bongga.. pinagsabay-sabay na... Alam kung darating ang araw na kailangan kong sagutin ang mga katanungang unti-unting nabubuo sa isip ng aking anak. At, bilang isang ina ay hindi madaling ipaliwanag sa kanya ang lahat dahil masyado pa itong bata at paano ko ipapaliwanag sa kanya na aksidente lamang s'yang nabuo? Paano ko ipapaintindi sa murang isip n'ya na nabuo s'ya out of love? At paano ko sasabihin at mapapaniwala ang multi-billionaire nitong ama na may nabuo sa isang gabing pagtatagpo at pagtatalik namin? Hay tadhana nga naman... Ipinagdarasal ko na lang na sana naman magsawa na itong paglaruan ang buhay ko at tulungan na lang ako nitong itama ang lahat, kahit hindi na para sa akin, kundi para sa kapakanan ng aking anak. Ng aking pinakamamahal na anak. Magsawa nga kaya si tadahana? O, Lalo pa nitong lalaruin ang buhay ko kasama na ang puso ko?

more
Heroes

Use AlphaNovel to read novels online anytime and anywhere

Enter a world where you can read the stories and find the best romantic novel and alpha werewolf romance books worthy of your attention.

QR codeScan the qr-code, and go to the download app