
The Heartless CEO
- Genre: Billionaire/CEO
- Author: Ron
- Chapters: 5
- Status: Ongoing
- Age Rating: 18+
- 👁 17
- ⭐ 3.0
- 💬 0
Annotation
Meet Trevor Jackson Dorchner, the heartless CEO of JY Group. The guy who doesn't like incompetence and rarely give chances. He's a very difficult Boss. Sa katunayan ay ang dami na niyang nasesanti sa kompanya. Halos isumpa siya ng lahat dahil do'n. Kaya naman binansagan siyang Boss Devil ng mga empleyado niya. He's scary but damn he's undeniably handsome! Almost perfect na sana kung marunong lang ngumiti. That's how most people describe him. Walang nakakatagal na secretary kay Trevor. It's either he'll fire that person or that person will initiates to resign. Ganun palagi ang sistema. But Xiandra Velasco, his new hired secretary is different. Palaban ito at desididong pag tiyagaan ang Boss. At kahit sa dami ng kapalpakan ang nagawa niya ay hindi siya nasesanti ng binata sa trabaho. Is it because they were riding on the same boat? Parehong iniwan sa ere ng mga minahal nila. Or there's something more? Something he didn't expect to feel again.
Chapter 1
Nanginig at napaluhod ako sa sahig ng cr nang makita ang resulta ng Pregnancy Test na hawak-hawak ko ngayon.
"Positive." Halos maiyak ako habang binabanggit iyon. Naiiyak ako hindi dahil sa tuwa kundi sa nararamdamang takot at frustration.
Paano nangyari ito? Naging maingat naman kaming dalawa. Napapikit na lang ako nang may maalala bigla. Huling sex nga pala namin ay lasing kami pareho. Malamang yun ang dahilan kung bakit may nabuo sa
tiyan ko.
Napasabunot na lang ako sa buhok sa
sobrang galit at pagsisisi. I hate him. I hate myself. Ang tanga-tanga ko.
Hindi ako handa dito. Paano ko ngayon bubuhayin ang batang nasa sinapupunan ng mag-isa?
Kaya ko nga ba siyang buhayin ng
mag-isa?
Hindi ko na nakayanan ang bigat ng emosyon kaya napaiyak na lang ako.
Bakit ba kasi ako nagpabuntis sa
hayop na yun? Now I blaming myself. May kasalanan naman talaga ako. Masyado akong nagtiwala sa kanya. Ibinigay ko ang lahat pati ang sarili. Akala ko kasi siya na ang lalaking para sa akin. Naniwala ako sa mga matatamis niyang pangako. Naniwala ako sa pangako niyang papakasalan ako sa tamang panahon.
"Ang tanga mo Xia." Humagulhol ako
habang sinasabi yun sa sarili.
Sasabihin ko ba sa kanya? Sinasabi ng pride kong huwag na, na kaya ko naman mag-isa kahit wala siya. Pero may parte sa utak ko na bumubulong na kailangan kong sabihin. Kailangan
kong maging praktikal sa hirap ng buhay. Ang dami kong responsibilidad sa pamilya at ngayon heto meron pang dadagdag. Anak niya din ito kaya nararapat lang na may matanggap akong sustento mula sa kanya.
Tinawagan ko si Nica, ang best-friend ko. Mababaliw ako kung wala akong kakausapin ngayon.
"Bes, anong atin?" Bati ng kaibigan
ko sa kabilang linya.
"Buntis ako." Nanginginig kong sabi.
"Ano?"
Agad kong nailayo ang hawak na cellphone sa tenga nang marinig ang sigaw ni Nica.
"Buntis ako." Halos pabulong kong sambit ulit.
"Oh My God! " Yun lang ang narinig kong sinabi niya. Pareho kaming natahimik pagkatapos.
Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi ko? Ako yung tipong konserbatibo ang pananaw, na naniniwalang dapat kasal muna bago sex. Hindi ko talaga inasahan na mababali ko ang paniniwala kong yun. Ganun talaga siguro sa pag-ibig. Magagawa mo lahat para sa mahal mo.
To the point na mas susundin mo ang isinisigaw ng puso kesa sa isinisigaw ng utak. Ang sakit-sakit dahil ibinigay ko ang lahat sa kanya pero sa huli ay iniwan niya ako sa ere ng mag-isa.
"Pinaprank mo ba ako bes? Kasi kung
Oo, pwes hindi ka nakakatuwa. Kukurutin ko talaga singit mo!" May tono ng pagbabanta sa boses niya.
"Sana nga biro lang lahat ng ito. Gusto ko nang magising kung nananaginip lang ako." Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa bigat at paninikip ng
dibdib ko.
"Susmaryusep Xia! may nangyari talaga sa inyo? At ano buntis ka nga?" Kumpara kanina ay mas mahina na
ngayon ang boses niya ngunit tunog
gulat pa din.
"Oo, tanga e. Masyadong nagtiwala kaya binigay lahat." I smirked bitterly.
Kinagat ko ang labi para pigilan ang
mapahikbi.
"My God Xia! Kaya pala naghanap
ng bago ang gago kasi sinuko mo
na ang bataan."
Napapikit ako dun. Iyon lang ba talaga
ang habol niya sa akin? At nang nakuha na niya ay bigla na lang siyang nagsawa sa akin kaya naghanap ng iba?
"Ano na ang plano mo ngayon?"
Napaisip ako sa tanong niya. Ano nga ba? Should I tell it to him? Wala pa akong konkretong plano, naguguluhan ako sa dapat gawin.
"Oh my God Xia! huwag mo yan
ipalalaglag. Kahit gago ang ama niyan,
blessing pa din yan okay? Tsaka isang malaking kasalanan yun sa taas."
Napatango ako dahil sumasang-ayon ako sa kaibigan. Hindi ko man gusto ang pagbubuntis ko pero hindi naman kaya ng konsensya kong basta na lang ipalaglag ito. Isa pa, kasama din ako sa gumawa sa kanya kaya dapat lang na panindigan ko siya.
"Don't worry hindi ko 'to ipapalaglag. Kung may gusto man akong patayin ngayon, si Tristan lang 'yon." Nanggagalaiti tuloy ako lalo pagkabanggit sa pangalan niya.
"Bes, mamaya na lang ulit. Nasa labas
si Boss Devil. Baka masaktuhan akong nakikipag-usap during working hours. Basta pupunta ako sa apartment mo
mamaya. Mag-uusap pa tayo." Aligaga
siya sa pagsabi nun.
"Sige bes, pasensya na sa abala."
Tinapos ko na agad ang tawag. Mahirap na't baka nga mahuli siya ng Boss niya, sabi pa naman ni Nica mala-demonyo daw ang ugali ng Boss niya sa sobrang pagka-strikto at perfectionist.
Kahit papaano ay gumaan ng konti ang
pakiramdam ko nang bisitahin ako ni Nica kinagabihan. Siya lang ang may
alam sa sitwasyon ko at ang kaibigang masasandalan ko ngayon.
Kahit may konting sinat ay pumasok pa din ako sa trabaho. Dalawang araw na kasi akong lumiban pagkatapos kong
malaman na buntis ako. Hindi ako pumasok ng mga araw na 'yon dahil hinang-hina ako at grabe ang pamamaga ng mga mata sa kakaiyak.
Nasa cafeteria kami ngayon nina
Lexi at Mariel, mga ka-trabaho at
kaibigan ko dito sa kompanya.
Mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko nang matagpuan ng mga mata ko ang mga nilalang na ayaw na ayaw kong makita. Halos gusto kong magwala nang makita si Tristan kasama ang bago niyang girlfriend na si Denise. Siya ang babaeng pinopormahan ni Tristan ng mga panahong nanlalamig na siya sa akin. Akala ko tsismis lang yun pero nang makipag-hiwalay siya sa akin ay inamin niya mismo na totoo 'yon. Halos mapunta lahat ng dugo ko sa ulo sa galit habang nakatingin sa kanilang dalawa. Wala silang kaalam-alam na sinasakal ko na sila sa utak ko ngayon. Hayop ka Tristan, almost three months palang tayong hiwalay pero nakahanap ka na kaagad ng ipapalit sa akin, sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko ngayon.
Nagtama ang mga mata namin ni Tristan pero iniba niya agad ang direksyon ng mga mata. Nakita kong hinawakan niya ang bewang ni Denise para mapalapit pa lalo sila sa isa't-isa. Napairap ako sa kawalan. Kakarmahin ka ding gago ka. Hintayin mo lang.
"Nandito pala ang ex mong cheater at ang malanding kabit niya." Ani ni Lexi na napapairap na din.
Inaamin kong galit din ako kay Denise.
Kahit pa hindi naging sila noong mga panahong kami pa ni Tristan ay hindi ko pa din maiwasang hindi kumulo ang dugo ko sa kanya. Alam naman niyang in-relationship kami noon pero hindi pa din siya lumayo sa malanding kong ex. Halata naman kasing gusto niya din si Tristan kaya hindi siya umiwas.
Hindi na ako magtataka kung bakit ipinagpalit ako ni Tristan sa kanya. Maganda siya sa totoo lang, mestiza, payat, matangkad at sexy pa. Maraming nga daw nagkakagusto sa babaeng 'yon base sa tsismis na kumakalat dito sa office.
This hurts like hell. He once made
me feel special but now I felt so
unwanted. Ang sakit dahil masyado niyang ipinapamukha sa akin ngayon na tinapon na niya ako. Naiiyak ako pero pinipigilan ko ang sarili. Hindi siya worth it iyakan, iyon ang pilit kong isinisiksik sa utak ko para umayos ang pakiramdam.
"Hay naku hindi siya worth it. Sa ganda ni Xia for sure maraming magkakandarapa sa kanya." Ani ni Mariel na alam kong pinapagaan lang ang loob ko.
Mapait akong ngumiti. "Hindi ko
kailangan ng lalaki sa buhay ko. Kaya kong mag-isa." Mabuti ng mag-isa kung sasaktan ka lang naman ulit.
Tama, I can stand on my own. I don't need his help. Hindi kaya ng pride ko na humingi sa kanya ng tulong pagkatapos ng ginawa niyang panloloko sa akin. Di bale ng mahirapan sa pagpapalaki dito sa bata ng mag-isa kesa naman papasukin siya ulit sa buhay ko.
Bago matapos ang araw na ito ay
ipinasa ko sa HR Manager ang
resignation letter na kanina ko lang
ginawa. Mabuti naman at tinanggap iyon ng Manager ko, 'yon nga lang ay nanghihinayang siya sa naging desisyon ko.
Kailangan kong umalis. Alam kong pag t-tsismisan nila ako kapag nalaman nilang buntis ako. Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga problema ko kaya ito ang naisip kong pinakamabisang solusyon. Isa pa, gusto ko din ilihim kay Tristan ang pagbubuntis ko. Hindi na niya dapat pang malaman. Will he even care if he found out?
"Alam na ba ng mama mo?" Tanong
ni Nica nang binisita ulit ako sa bahay.
Napapadalas ang pagbisita niya sa akin at kung minsan ay dito na din nakikitulog. I know she's just checking
me out. Concern talaga siya sa akin.
Umiling ako. "Hindi pa ako
nakakahanap ng tiyempo. Alam ko ma d-disappoint 'yon sa akin. Sasabihin ko pero hindi na muna ngayon. Hindi pa ako handa. Iipon muna ako ng maraming lakas ng loob." Mapakla akong ngumisi sa sariling biro.
Napabuntong hininga ang kaibigan
ko. Alam ko apektado din siya
ngayon. "Ano ng balak mo ngayon?"
"Mag apply kaya ako sa JY Group? Hiring ba kayo?"
Isa sa pinakasikat na kompanya ang
JY Group, ang kompanyang pinag-tatrabauhan ni Nica ngayon. Ilang mga business ang hawak nila tulad ng resorts, hotels and casino. Matagal ko ng pangarap na makapasok sa kompanyang 'yon. Who knows this time makalusot na ako? Nag apply na kasi ako doon dati at sa kasamaang palad ay hindi ako pinalad na makapasok.
"Uy sakto naghahanap ng bagong secretary yung CEO namin. Gusto mo?" Natatawa niyang sabi na tunog nagbibiro.
"Sige mag a-apply ako bukas." Ako naman ay seryoso siyang sinagot.
Napangiwi siya at pinanlakihan ako ng mga mata. "Seryoso ka talaga? Sinasabi ko sayo ang sama talaga ng ugali no'n ni Devil. Kung ako sayo huwag na. It's either he'll fire you o ikaw na mismo ang kusang aalis dahil hindi mo ma- take ang ugali niya. Yung huling secretary niya nga di tumagal ng one week dahil sinesanti niya. Kahit nga ako hindi din sa kanya tatagal. Hayaan mo hahanapan kita ng ibang posisyon na pwede mong aplayan. Yung hindi mo siya makikita araw-araw."
Medyo kinabahan ako sa kwento ng kaibigan ko. Pero kailangan ko talaga ngayon ng trabaho. Kailangan ko pa magpadala ng pera para sa tuition fee
ni Luigi at kailangan ko din mag-ipon para sa panganganak ko.
"Malay mo tumagal ako ng one
month." Biro ko. "Kailangan ko talaga
ng trabaho bes." Seryoso kong sabi ngayon.
Wala siyang nagawa kundi tanguan ako.
"Okay sige. Refer kita sa HR Manager
namin. Pero pwede ka pa mag back out." She gave me a warning look.
"Nakakatakot ba talaga siya?" Kinain na tuloy ako ng kuryusidad.
Tumango siya. "Sobra, lalo na kapag nagagalit. Ang sakit din niya magsalita na talagang tatagos sa kaibuturan ng puso mo, ganoong level."
Tumango ako sa sinabi niya. Hindi pala biro ang papasukin ko base sa nanging deskripsyon niya sa ugali ng CEO. Gayunpaman ay gusto ko pa din subukan na mag-apply. Kailangan ko ng trabaho ngayon at maliban doo'y may parte kasi sa akin na gustong makapasok sa JY Group. Kasi kung sakaling makapasok ako ay malaking tulong 'yon para sa career ko.
"Kaya siguro siya hiniwalayan ni Hillary Wilson kasi hindi na non kinaya ang ugali niya. Dinaig niya pa
kasi ang babaeng may period, palaging beastmode." Biro ni Nica kaya napangisi din ako.
"Hillary Wilson? Di ba sikat na modelo yun?"
Tumango siya. "Uh-huh at ang chika, si Hillary ang umayaw sa kasal nila."
Medyo nalungkot ako sa narinig. Siguro dahil alam ko ang pakiramdam nang maiwan sa ere. Yung akala mong siya na pero bigla ka na lang bibitawan. Ang sakit-sakit kaya nun.
Nang sumunod na araw ay tinext ako ni Nica na bukas na ang interview ko sa
JY at kailangan kong magpasa ng resume at ng ilan pang mga documents.
I'm really thankful na sa kabila ng pinagdadaanan ko ngayon ay may kaibigan akong nasasandalan ngayon. Kababata ko si Nica. Naging mag kaklase kami hanggang high school.
Naghiwalay lang kami ng landas ng mag college siya dito sa Manila pero umuuwi naman siya ng probinsya tuwing bakasyon kaya hindi nawala ang closeness namin.
Maaga akong nagising dahil sa job interview ko sa JY. Nakasuot ako ng
white long sleeve at above the
knee black pencil skirt. Sinuot ko din
ang black shoes ko na 3 inches ang
taas. Nilugay ko lang ang buhok ko
at kinulot ng konti ang dulo nito.
Kumatok ako sa pintuan ng opisina ng HR Manager. Pagkabukas ko ng pinto sumalubong kaagad sa akin ang isang babaeng nakaupo sa swivel chair na siguro'y mga nasa mid 40's na.
"Good morning Ma'am." Magiliw ngunit kinakabahan kong bati sa kanya.
Ngumiti din siya sa akin. Iminuwestra niya ang upuang nasa harapan niya at awtomatikong akong umupo doon.
Binabasa ngayon ni Ma'am Bernardo ang resume ko. Nang muli niyang ibinalik ang atensyon sa akin ay mas
akong nakaramdam ng kaba.
"I like your credentials. At sabi ni
Nica, mapagkakatiwalaan at palaban ka daw."
Nice one Nica, ikaw na ang pinaka-supportive na kaibigan.
"Yes po." Nahihiya akong ngumiti dahil sa papuri niya.
"Siguro naman na-kuwento na sayo ni
Nica si Boss Devil?" Binigyan niya ako
ng tingin na kailangan ko sagutin
ang tanong niya.
Tumango ako. "Yes Ma'am." I answered nervously.
"Sigurado ka na ba talaga? Gusto mong
maging secretary niya? Kasi kung
madali ka sumuko, I will advice you na
huwag mo na lang ituloy."
"Hindi po ako madaling sumuko Ma'am." Confident kong sagot sa kanya.
"Okay sige. Sana naman kung palarin ka ay tumagal ka bilang secretary niya. Napapagod na din ako sa kahahanap parati ng secretary ni Sir Trevor." Napapahilot na siya sa noo habang sinasabi yun.
"Nakailang secretary na po ba siya?" Kuryuso kong tanong tuloy.
"Twenty plus na. Kung sana'y hindi nag resign si Ma'am Montes e di sana hindi ako na m-mroblema ngayon." Umismid siya.
Sino naman kaya 'yon? Mukhang nabasa niya ang pagtataka ko kaya nagpaliwanag siya.
"Unang naging secretary ni Sir na naging secretary din ng ama niya. Si Ginang Montes lang kasi ang bukod-tanging tumagal sa kanya. Nag resign siya dahil kinukuha
na ng anak para mag migrate sa Canada."
So atleast may tumagal naman pala na isa. Ano kaya mangyayari sa akin kung sakaling matanggap nga ako dito? Tatagal kaya ako sa sinasabi nilang Boss Devil? Pero kung sakali mang palarin ako dito, sisiguraduhin kong pagbubutihan ko sa trabaho para hindi
masesante.
Maya-maya may tinawagan si Ma'am Bernardo sa telepono.
"Good morning Sir, andito na po 'yong applicant na pumasa para sa final interview." Tumango siya sa sinasabi ng nasa kabilang linya. "Okay sir." Binaba na niya ang telepono at hinarap ulit ako. "Miss Velasco i-interviewin ka
na ngayon ni Sir Dorchner."
Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko sa nerbyos. Pumasok kasi agad sa utak ko ang mga nakakapangilabot na deskripsyon ni Nica tungkol sa CEO nila. So finally makikita ko na ang tinatawag nilang 'Boss Devil.'
Chapter 2
Sumunod ako sa HR Manager na nasa
unahan ko ngayon. Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang button papuntang 20th floor. Nilingon niya ako. "Kinakabahan ka?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako. Sino ba ang hindi kakabahan ngayon? Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga sinabi niya at ng kaibigan ko tungkol kay Mr Dorchner.
"But I'll do my best Ma'am." Saad ko.
Kailangan ko ng trabaho kaya
gagawin ko ang lahat makuha lang ang
posisyong ito. Hindi dapat ako
magpadala sa takot at nerbyos dahil baka mawala ako sa focus mamaya.
"Lahat naman kami dito
kinakabahan kapag kaharap si Sir Trevor, kaya naiintindihan ko yang nararamdaman mo ngayon. Dodoble pa yan mamaya pag nakaharap mo na siya." Seryosong sabi ng HR.
Words of encouragement ang kailangan ko ngayon pero bakit parang mas lalo niya akong tinatakot?
Pagkabukas ng elevator, mas domoble
nga ang kaba ko. Naglakad ulit kami at nahinto nang tumap